Hindi dumalo si ex-President Rodrigo Duterte sa isinagawang inagurasyon ng bagong pangulong si President Ferdinand Marcos Jr.
Itoy matapos kumpirmahin ni outgoing National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. kasabay ng ceremonial turnover sa Palasyo.

Ayon kay Esperon, sasakay sa isang commercial flight si Duterte pauwi sa kanyang hometown sa Davao City.
Samantala, pagkatapos ng kanyang departure honors na ginanap sa Palace grounds ay tuluyan na nga niyang nilisan ang Malacanang lulan ng isang itim na SUV. (ARGIE ERGINA)