Imbestigasyon sa drayber ng sasakyang nakitaan ng milyun-milyong halaga ng marijuana, nagpapatuloy

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa drayber ng sasakyang nakitaan ng milyun-milyong halaga ng marijuana bricks sa Lacnog, Tabuk City, Kalinga.

Una rito, sa isinagawang hot pursuit operation ay tumakas umano ang drayber ng sasakyan nang makarating sa New Balbalan, Lacnog.

Read More:  Farmer killed, friend wounded in shooting in Sibonga, Cebu

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Kalinga PPO, nasa 241 bricks at isang tubular na marijuana ang nasamsam sa sasakyan matapos ang isinagawang hot pursuit operation ng Tabik City Police Station, 2nd KPMFC at iba pang law enforcement agencies.

Read More:  19-year-old woman found dead in Lupon, Davao Oriental, with head injury

Tinatayang nasa humigit kumulang 242, 000 grams ng marijuana na nagkakahalaga ng P29,040,000 ang nasamsam.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa hinihinalang aktibidad ng tumakas na drayber na may kaugnayan sa iligal na droga.