Ilang vaccination site sa Camarines Norte binisita ng matataas na opisyal ng DOH at PHO sa nagpapatuloy na pambansang bakunahan

CAMARINES NORTE- Binisita ng matataas na opisyal ng Department of Health sa pangunguna mismo ni Regional Director Dr. Ernie Vera ang ilang vaccination site sa lalawigan ng Camarines Norte sa nagpapatuloy na pambansang bakunahan kontra COVID- 19.

Kasama ni Vera si Provincial Officer Dr. Jocelyn Iraola at ilan pang mga opisyal ng DOH sa rehiyon at dito sa probinsiya.

Kabilang sa mga unang binisita ng DOH officials ay ang mga vaccination site sa Basud at Talisay upang subaybayan ang bakunahan.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Nagtungo rin ang mga ito sa Central Plaza Mall dito sa Daet, ang vaccination site ng Rural Health Unit 1 kung saan katuwang sa bakunahan ang DOH-Bicol CHD technical assistance team na nagbabakuna ng primary doses at booster shots.

Tumagal lang ng nasa 15 minuto ang pagbisita at hindi lahat ng vaccination site ay pinuntahan.

Sa pagiikot na ito ng DOH officials ay  hinikayat ang mga 12 anyos pataas na hindi pa bakunado na magpabakuna na ngayong ikatlong Bayanihan Bakunahan na pinalawig hanggang sa susunod na linggo.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ito umano ay upang maiwasan ang malalang sakit, pagkaka-ospital, at mga kumplikasyon na maaaring idulot ng COVID-19.

Samantala, bumisita rin si Provincial  Health  Officer Dr. Arnel Francisco  sa ilang vaccination site upang alamin ang sitwasyon sa implementasyon ng pambansnag bakunahan. Unang binisita ni Francisco noong unang araw ng NVD III ang bayan