NAGA CITY – Mamimigay ng condom ang Naga City Hygiene Clinic kaugnay ng International Condom Day bukas Feb. 13, 2022.
Ang taunang Condom Day sa buong mundo mula pa noong 2009 ay naglalayong mapigilan ang hindi planadong pagbubuntis, maagang pagbubuntis o teenage pregnancy , maiwasan ang sexually transmitted diseases (STDs) at Human Immunodeficiency Viruses (HIV).
Inihayag sa Brigada News FM Naga ni Grace Guevarra ng nasabing clinic na bukas ang publiko sa usaping ito. Maging ang mga kabataan ay naiintindihan ang kahalagahan ng condom kung kaya tinatanggap din ang ipinamimigay sa mga Barangay at strategic places.
Kung matatandaan Hulyo 2021 nang pirmahan ni Pangulong Duterte ang Executive Order (EO) No. 141 na nagsasabing national priority ang pagtugon sa problemang pagtaas ng teenage pregnancies sa bansa.
Ayon naman kay Anakalusugan Rep. Michael Defensor sa panahon ng pandemya nakitang umabot sa 12,341 ang bagong HIV infections diagnosed noong 2021, mas mataas ng 54% noong 2020.