DENR handang tumulong sa Comelec sa pag baklas ng illegal campaign poster lalo na ang nakadikit sa mga puno

CAMARINES NORTE- Nagpahayag ng kahandaan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tumulong sa Commission on Elections sakaling magkaroon na ng Operation Baklas sa mga campaign posters lalo na ang nakadikit sa mga puno.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay OIC- Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO) Marlon Francia, sinabi nitong mayroon nang tatlong Municipal Election Offices ang nakipag ugnayan sa kanilang opisina para sa gagawing Operation Baklas.

Kaugnay nito ay umapela si Francia sa mga taga-suporta ng mga kandidato para  sa May 2022 National and Local Elections  na sumunod  sa ipinatutupad ng Comelec at ilagay lamang ang mga campaign materials sa common posting areas.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Alinsunod sa section 3 ng Presidential Decree 953 ang pagdidikit o pagpapako ng mga campaign posters sa mga puno ay mahigpit na ipinagbabawal.

Gayundin ang pagsira, pagsugat o pananakit sa kahit na anong uri ng puno at ito ay may karampatang parusa.

“Yung dagta ng puno isa sa defense mechanism niya yan, na parang preservative niya, ngayon once na ma -expose yung tinatawag natin pinaka lumber niya, yung dead part ng tree, na expose sa environment pwedeng pasukan yan ng mga pathogen, mga insekto na maaaring pasukan ng bukbok o kaya ng mga fungus na eventually ikamamatay ng puno,” ani Francia.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Dagdag pa nito na may eleksyon man o wala ay bawal talagang magdikit ng mga poster sa mga puno.

“As far as DENR is concern bawal talaga sa puno weather designated or non-designated, even yung mga advertisements, yung  kahit na mga electrical wiring iwasan natin na ma ano sa puno kasi ikamamatay ng puno yan eh.”