Presyo ng palay sa Bicol posibleng tumaas – NFA Bicol

LEGAZPI CITY – Pinag uusapan pa rin ng National Food Authority (NFA) Council ang pinaplanong pagtaas ng presyo ng Palay sa Bicol Region Sa panayam ng Brigada News Fm LegaPi kay Johanna Pavilando, ang Regional Spokesperson ng NFA Bicol, sinabi nito na posibleng tumaas ang presyo ng palay sa oras na mapagkasunduan ito ng council.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Aniya, ang mga magsasaka na umano ang nagsuhesytion na kung maaari ay dagdagan na rin ang presyo ng palay sa rehiyon. Ang pagtaas ng presyo ng palay ay dahil sa mataas rin ang bilihin ng mga fertilizer at malalaki na rin ang kanilang nagagastos sa rice production.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa ngayon kasi umaabot pa sa P19 per kilo gram dry and clean palay ang presyo nito. Base sa kanilang inihirit na pagtaas ng presyo ay dagdag na P2 kung nasa P21 per kilo gram na ito kung ito ay maaprobahan ng NFA Council.