Ilang tanim na gulay sa Tigaon, Camarines Sur, partially damaged dahil sa nagdaang Habagat

CAMARINES SUR —  Nasa 40 porsyento ng sagingan, mga tanim na sitaw at talong ng isang grupo ng magsasaka sa bayan ng Tigaon ang naapektuhan ng lumakas na hanging Habagat.

Ayon kay Rebecca Purisima, ang presidente ng Vegetable Growers Association of ARB Libod-Tinawagan (VEGAT), hindi nakasalba sa malakas na hanging dala ng sama ng panahon ang mga namumulaklak na sitaw, ampalaya at talong, ganundin ang mga puno ng saging na tumumba na sa lupa— bali at nahugot pati ang ugat. Samantala, pasalamat naman ang grupo dahil hindi anila gaanong naapektuhan ang mga tanim na palay sa upper Isarog.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu
Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Hinihikayat naman ng opisyal ang mga kapwa magsasaka na piliin ang diversified farming o pagtatanim nang maraming pananim na kayang mabuhay sa ano mang sama ng panahon upang may ani pa rin at income.