Hearing sa admin case laban kay TBoli Mayor Tuan, SB members nagsimula na

KORONADAL CITY – NANINIWALA si TBoli Mayor Keo Dayle Tuan na politically motivated ang kasong isinampa laban sa kanya at sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Ang kasong dishonesty at abuse of authority sa paglabag sa Local Government Code of 1991 ay isinampa ng tax payer na si Evelyn Montil Gregorio sa Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato laban kay Mayor Tuan, Vice Mayor Ronnie Dela Peña at Councilors Kirk Tuan, Gading Kamblan, Pacifico Cordada Jr, Falin Kuta, Valerio Fado, Mansueto Dela Peña, Romeo Sugan kag Samuel Haus.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ito ay nag-ugat sa pagpasa ng SB ng resolution na nagbibigay ng tax incentives sa Crown Jewel Hotel na pagmamay-ari ng pamilya ng alkalde.

Ngunit binigyang diin ni Mayor Tuan na walang katotohanan ang mga akusasyon laban sa kanila dahil ginawa lamang umano ng mga ito ang kailang trabaho.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Handa din itong harapin at sagutin ang mga alegasyon ng complainant.

Noong Biyernes, dumalo ang mga respondents at complainant sa preliminary conference ng Committee on Legal Matters at Committee on Good Government ng SP kaugnay sa nasabing kaso.