Ilang sundalong amerikano patay sa sagupaan sa border ng Armenia at Azerbaijan

Patay ang ilang sundalong Amerikano sa nangyaring engkuwentro sa border ng Armenia at Azerbaijan.

Ayon sa Armenia, ilan sa mga tropa nito ang napatay habang naagaw ang dalawang combat position.

Dalawa naman sa tropa ng Azerbaijan ang nasugatan sa engkwentro.

Samantala, sa pinakahuling report, kapwa pumayag ang Azerbaijan at Armenia sa Russian-brokered ceasefire.

Matatandaan na umabot na sa 6,000 ang nasayang na buhay noong nakaraang taon dahil sa pinag-aagawang teritoryo ng Nagorno-Karabakh.

Matagumpay na nabawi ng Azerbaijan forces sa tulong ng Turkey ang malaking bahagi ng rehiyon na kilalang bahagi ng teritoryo nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *