Application sa 13th month pay loan para sa mga micro at small enterprises, bukas na – dole region 2

Nagsimula nang tumanggap ng aplikasyon ang DOLE Region 2 para sa government loan ng mga micro at small enterprises na nahihirapang tustusan ang 13th-month pay ng kanilang mga empleyado.

Ito ang kinumpirma ni Regional Information Officer Chester Trinidad ng DOLE Region 2 sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, ang mga qualified borrower ay ang mga micro at small enterprises na nagpatupad ng flexible work arrangements at nakarehistro sa ilalim ng DOLE Establishment Reporting System noong October 15, 2021.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ang naturang programa ay sa ilalim ng 13th Month Pay Loan Facility ng DTI at financing arm na Small Business Corporation.

Simula nitong November 12, 2021 ay nasa kabuuang 25 loan applications na nagkakahalaga ng mahigit 5 million pesos ang inaprubahan mula sa ibat ibang kumpanya na nag-apply sa buong bansa.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ayon pa sa paliwanag ni Info Officer Trinidad, maaaring saklawin ng loan program ang hanggang 40 empleyado bawat establisyimento at ang loanable amount ay nasa P12,000 bawat kasalukuyang empleyado.

Ito ay zero-interest rate at walang collateral loan na babayaran sa loob ng 12 buwan, kasama ang tatlong buwang palugit.

Maaring mag-apply online ang mga interesadong micro at small enterprises sa www.bayanihancares at icomply ang mga kinakailangang requirements.