Ilang senador, inalala ang mga mabubuting nagawa ni dating Pangulong Noynoy Aquino

Nagpaabot ng pakikiramay ang mga dating kasamahan sa Senado ni former Pres. Benigno Aquino III matapos itong pumanaw kaninang umaga.

Agad na ipinag-utos ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang paghalf-mast sa watawat ng Pilipinas bilang pagbibigay respeto sa namayapang dating pangulo.

Sa panig naman ni Senador Sonny Angara sinabi nitong ilan sa mga hindi makakalimutang linya at mga polisiya ni PNoy ay ang “Walang wang-wang, walang counterflow, walang tongpats’ at “Kayo ang boss ko.” 

Ayon kay kay Angara malaki ang naging papel ni Noynoy  sa kanyang pagpasok sa Senado lalo’t magkasama sila sa Kamara simula 2004 hangang 2007.

Ikinalungkot naman ni dating Senador Antonio Trillanes IV at incumbent Sen. Risa Honteveros ang pagpanaw ng isa sa kanilang mahigpit na kaalyado.

Samantala personal naman na nagtungo si former Sen. Mar Roxas at Sen. Kiko Pangilinan sa Capitol Medical Center subalit tumanggi itong magbigay ng anumang pahayag sa mga tanong ng media.

Sa kabila ng pagiging magkaribal sa pulitika nagpaabot rin si Sen. Imee Marcos ng pakikidalamhati sa pagpanaw ng dating pangulo.

Sinabi ng senadora na labas sa usapin ng pulitika at panghuhusga ng mga tao kilala niya si PNoy bilang mabait at simpleng tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *