‘Ex-pres. Aquino III, nararapat lamang igalang’

Nararapat lamang ang buong paggalang, paghanga at pasasalamat para sa isang pangulong katulad ni dating presidente Benigno Aquino III. 

Ito ang binigyang diin ni Justice Secretary Menardo Guevarra na naglingkod sa huling bahagi ng administrasyon ni Aquino bilang deputy executive secretary for legal affairs. 

Ayon sa kalihim, di biro at mapakahirap na tungkulin ang mamuno sa isang bansang tulad ng Pilipinas dahil sa mga hamon sa usaping panlipunan, ekonomiya, at politikal.

Kasabay nito, sinabi pa ni Guevarra na isa sa pinakamalaking desisyon ng dating pangulong Aquino ay ang pagkompronta sa China sa usapin hinggil sa agawan sa West Philippine Sea. 

Aniya, kasaysayan na lamang ang huhusga kung ito ang pinakamatinding desisyong ginawa ng yumaong pangulo nang nanunungkulan pa ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *