Ilang PUB drayber sa Cauayan City, pabor sa 100% full capacity

Pabor ang ilang drayber ng bus sa lunsod ng Cauayan sakaling ipatupad ang 100% full capacity sa mga public transportation sa ilalim ng Alert level 1 ngunit iminungkahi pa rin ang maigting na pagsunod sa minimum public health standards.      

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Mr. Manzano na isang drayber ng bus sa lunsod, sinabi nito na nakabubuti ang 100% capacity sa mga bus dahil maaaring tumaas umano ang kanilang kita ngunit kinakailangan pa ring mag-ingat dahil sa banta ng Covid-19.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ang problema lamang umano nito kahit na maipatupad ang 100% capacity ay hindi rin umano masusunod dahil kakaunti na lamang ang mga pasahero at sa katunayan aniya araw lamang ng lunes ang maraming pasahero.

Matumal umano ang pasada pagsapit ng weekend kaya hindi na sila bumabiyahe dahil kulang pa sa pang-gas ang kanilang kikitain.

Aniya, sa ngayon ay 50% capacity ang sinusunod nila sa terminal sa lunsod kung saan nasa 25 na pasahero ang kanilang naisasakay papuntang Santiago City.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Habang 70% capacity naman umano ang kanilang sinusunod sa terminal ng Santiago City ngunit mayroon silang palugit na 30 minutes para magsakay ng pasahero.

Dagdag pa nito, sa isang araw ay roundtrip lamang ang kanilang biyahe kung saan maswerte na umano kung kikita sila ng 4,000- 4,500 pesos ngunit maliit pa rin umano ito dahil 2,000 ang kanilang gastos sa gasolina.

Samantala, kasama rin sa kanilang sinusunod na panuntunan ay ang pagsakay lamang ng mga pasaherong may vaccination card kung magtutungo sa Santiago City.