Ilang pasyenteng suspected sa dengue, kaagad na ginagamot sa Camaligan, Camarines Sur

NAGA CITY – Isinasailalim kaagad sa confirmatory test at agarang ginagamot ang ilang pasyente sa bayan ng Camaligan, Camarines Sur, matapos na magpositibo sa Dengue Antigen Test.

Ayon kay Dr. Nonoy Severo, Municipal Health Officer, kahit na negatibo sa confirmatory test dahil na rin sa ilang nararamdaman ng pasyente, maituturing pa ring suspected sa dengue dahil sa ilang sintomas gaya ng lagnat, ubo, sipon, rushes at ilan pa lalo na kung namomonitor ang pagbaba ng platelets, nagkakaroon na ng bleeding sa loob ng katawan na ni-rerefer naman kaagad upang maiwasan ang paglala ng kondisyon, maging ang hydration ng pasyente o kulang sa tubig binabantayan rin.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business
Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Bilang aksyon na rin kontra dengue, maglalagay pangontra sa mga kanal sa bayan at magkakaroon ng cleaning operation sa mga paaralan lalo na’t magpapasukan na at pagpapa-alala muli nito na panatilihin ang kalinisan.