BNFM BICOL – NAG-UWI ng mga gintong medalya ang mga delagado mula sa Bicol na Bikol Vulcans mula sa Palarong Pambansa 2024 sa Carcar City, Cebu.
Nakapagtala ng bagong record sa sports na swimming si Beatriz Mabalay na galing sa Sorsogon na 34.35 seconds sa 50m breastroke for Secondary Girls at sa 100m breaststroke naman na 1.15 minutes kung saan natalo niya ang mga nakaraang record nila Clara delos Santos at Maria Mamantan.
Gayundin, si Rose Jane Barcelona na mula sa Sorsogon ay nakapagtala ng 5.08 m sa long-jump Elementary Girls kung saan natalo niya ang record ni Hazel Domocum nitong nakaraang taon. Ilan sa mga nag-uwi ng gintong medalya ay sila Lineth Mataba, Anna Marie Valenzuela, Krizel Oguira, Thalia Oguira, Joe Pelo, Rayoki Yap, Courtney Trangia, John Benedict Aguilar, Ana Espinilla, Jaspher Tupas, at Ashley Dela Torre. # # # Pauline Manga, Intern
Photo Courtesy of DepEd Bicol Facebook