Away ng dalawang tuta, pinanood ng mga manok

Kabrigada, nakakita ka na ba ng sabungan na manok ang manonood?

Sikat ngayon sa social media ang video ng dalawang puppies na nagpeplay fighting sa loob ng tray ng pagkain sa isang chicken house.

Ikinatuwa ng netizens ang nasabing video dahil napapalibutan ang dalawa ng mga manok sa nasabing chicken house na para bang mga nanunood ng sabungan.

Ironic umano ang imagery na pinapakita ng kaganapan na ito na parang ginagaya ang buhay ng tao na dumadalo sa ganitong klase ng aktibidad.

“I’m sure they placed a bet with their next meal” sabi ng isang X user na iniimply ang tayaan ng pusta ng mga manok kung sino ang mananalo sa dalawang tuta. # # # Nico Merciales, Intern