Ilang ospital, nakahanap ng solusyon para tugunan ang pagdagsa ng COVID-19 patients

Nakahanap na ng paraan ang isang ospital sa Metro Manila at dalawang medical facilities sa ibang areas sa Luzon para matulungan na matugunan ang tumataas na bilang sa kanilang coronavirus-related admissions.

Sa Lung Center of the Philippines sa Quezon City, nag-set up sila ng “hospitainers” o COVID-19 treatment stations sa kanilang parking lots na ginagamit ng mga COVID-19 patients.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Ayon kay spokesman Dr. Norbert Francisco, kung titingnan umano sa labas ang ‘hospitainer’ ay kahalintulad ito ng container vans, pero sa loob ay fully equipped para sa moderate, severe, at critical cases.

Samantala, sa Ospital ng Lungsod ng San Jose del Monte sa Bulacan ay kinonvert ang kanilang lobby bilang triage area.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Ang mga pasyente sa triage area ay ang mga naghihintay para ma-accomodate sa isolation wards.

Sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City naman, nag-rent sila ng dalawang hotels na mayroong 50 kwarto bawat isa, na ginagamit naman bilang step-down facilities para sa mga recovering patients upang lumuwag ang espasyo sa kanilang ospital. // MHEL PACIA-TRINIDAD