SORSOGON CITY – Palilipasin muna ng lokal na pamahalaan ng Casiguran ang nararanasang malalakas na hampas ng alon dulot ng habagat bago simulan ang mga proyektong pangkabuhayan para sa mga mangingisda ngayong taon.
Ayon kay Casiguran Municipal Agriculture’s Office Fishery Technician, Marvin Duque, kabilang sa nakaabang na proyekto sa bayan ang 2 unit ng Marine Bangus Cage.
Paliwanag ng opisyal, mahigit 100K ang pondong inilaan rito ng LGU, kung saan lalagyan ito ng tig-3,500 Bangus breeds at floating feeds.
Inaasahan naman na magiging dagdag mapagkakakitaan para sa mga mangingisda sa bayan ang pagsulong ng nasabing proyekto.
Matatandaan na una nang sinabi ng LGU-Casiguran na ang mga livelihood programs na kanilang isinusulong ay bahagi ng kanilang paghahanda sa posibleng krisis na maranasan ng komunidad ngayong nagpapatuloy pa rin ang banta ng Corona Virus disease.
PHOTO: LGU-Casiguran
