Ilang opisyal DOH inaasahang dadalo sa  pagsisimula ng 5-11 yrs. old vaccination roll out sa Naga City

NAGA CITY – Mangyayari na ngayon ang unang araw ng pagbabakuna sa age group na 5 -11 taong gulang na mga bata sa Naga City, na kung saan kabilang sa magiging venue ay ang tatlong malalaking malls sa lungsod.

Isa na rito ang SM City Naga, sinabi ni Tina Sumayao, media relations officer ng  mall, may ilang opisyal at personahe ng Department of Health ang darating para saksihan ang vaccination program na ito sa mga bata.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Hindi na muna binanggit ni Sumayao kung sinu-sino ang mga dadalong mga DOH officials bukod sa mga City Officials.

May maikling programang gagawin bago ang pagsisimula ng vaccination, tiyak na kagigiliwan ng mga bata.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

May mga sorpresa silang inihanda para sa mga bata, para hindi matakot sa bakuna, tulad ng ginawa ng Bicol Medical Center na mga kilalang cartoon characters ang paligid ng bakunahan.

Inaasahang halos 500 mga bata ang matuturukan ng Pfizer sa kanilang mall ngayong araw.