10 Dialysis Center sa Naga City, hindi na sapat

NAGA CITY- Modernong mga equipment ang isa sa mga target ng Naga City kasabay ng improvements sa mga pampublikong ospital.

Nakita ng Health Committee sa lungsod na ang sampung mga dialysis centers sa Naga ay hindi na sapat para sa mga sumasailalim sa dialysis. Katunayan ang ilan sa mga pasyente ay dumarayo pa sa Iriga City kung saan mayroong 17 dialysis machines.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Inihayag ni Committee on Health Chairman Dr. Sonny Rañola sa publiko sa pamamagitan ng City Events Protocols and Public Information Office (CEPPIO) na hindi pa nila mabatid kung bakit marami ang nagkakasakit ngayon sa kidney.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Oras na matapos at maging operational ang Naga City Hospital II, magkakaroon ito ng Dialysis Center.

Ayon sa National Kidney & Transplant Institute (NKTI) bawat taon 15, 000 ang bagong pasyente na sumasailalim sa dialysis dahil sa end-stage renal disease o ESRD.