Ilang naghain ng COC sa Mandaluyong City, namroblema sa stamp

Naantala ang pag susumite ng dokumento ng ilang naghahain ng certificate of candidacy o COC sa COMELEC office ng Mandaluyong city kanina, matapos na wala silang mahagilap na stamp.

Ang iba kasing tatakbo sa Barangay at SK Election, umasa na merong mabibiling stamp sa COMELEC office kaya hindi na sila nag abalang magdala pa nito.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Batay sa guidelines ng COMELEC, hindi kumpleto ang kanilang COC kapag wala itong documentary stamp.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Samantala, nagpasiklaban naman ang mga taga suporta ng mga kandidato na naghahain ng COC, may ilan pang suppporters na nagdala ng sound system.

Pero sa kabila nito, mapayapa ang unang ilang oras ng filing ng COC sa Mandaluyong City.