Naniniwala si Senador Win Gatchalian na kailangang magkaroon ng “novel plan” ng gobyerno sa pagresolba ng ilicit trade sa bansa.
Ayon kay Gatchalian, marapat lang ito upang ma- justify ang mga bagong taxes na ipinapataw sa taumbayan.

Dagdag pa niya, maaring makapagtulak ang pagtaas ng taxes, sa pagdami ng mga bagong ilicit traders sa bansa.
Kung maalala, ayon sa inilabas na datos ng Philip Morris tumaas mula 10.8% ng 2018 papuntang 16.7% nitong 2022 ang nabebentang sigarilyo mula sa mga illicit traders sa bansa.