Ilang mga TODA members sa Catanduanes nakatanggap ng ayuda

BNFM Bicol-NAKATANGGAP ng ayuda ang humigit-kumulang 2 libong mga TODA member sa lalawigan ng Catanduanes sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o (AICS) program.

Natanggap ng mga tricycle driver ang aabot sa ₱5,000 at ang mga pedicab driver naman ay nakatanggap din ng ₱3,000.

Hinati sa anim na mga batch ang pamimigay ng naturang ayuda na kung saan kahapon, araw ng Biyernes isinagawa ang pagbibigay sa huling tranche.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga tsuper sa natanggap na ayuda para sa kanila. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *