Drug den sa Naga City marami pa ayon sa PDEA-Camarines Sur 

NAGA CITY –Naniniwala sina Agent “Red” ng Phil Drug Enforcement Agency – Camarines Sur na marami pang drug den sa Naga City na pinamumugaran ng mga drug personalities, patunay ang pagkaka-aresto nila sa lima katao at may isang babae sa Barangay Concepcion Pequeña noong isang araw na nakuhanan ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit 42 libong piso.

Sa kaniyang pahayag sa Brigada News FM Naga, sinabi niyang ang operasyon ng mga ito sa lungsod ay nasa iba’t-ibang barangay na ngayon dahil sa may police outpost na nasa Sagrada Familia, Barangay Peñafrancia na siyang bagsakan ng illegal drugs, hindi aniya makaporma doon ang mga drug personalities.

Anya’y, magkagayuman tiniyak nina Agent Red na namomonitor nila ang galawan ng mga ito subalit hindi nila agad maisagawa ang pag raid dahil na rin sa mga proseso, kabilang  na pakikipag-ugnayan nila sa pulisya at iba pang force multipliers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *