Ilang mga problema sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur, sinagot na ng alkalde

CAMARINES SUR- Nagkaroon na ng kasagutan ang ilang mga problema sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur ngayong nakabalik na sa opisina ang alkalde mula sa ilang buwan na pagkakasuspende.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Mayor Tomas Bocago, aminado itong napabayaan ang ilang problema sa bayan simula nang masuspende siya dahilan para lumubo ang ilang reklamo ng mga residente tungkol sa serbisyo ng pamahalaan pagdating sa membership ng mga programang tulad ng sa solo parent at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s). Idagdag pa ang reklamo sa basura sa public market na noon pa man ay problema na sa nasabing bayan.

Ngayong nakabalik na sa opisina ang alkalde, binigyang pagtitiyak nito na aayusin ang lahat ng mga problema sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *