Pagtanggap ng mga aplikante para sa housing and settlements program suspendido muna sa Naga City

NAGA CITY –Pansamantalang itigil muna ng LGU-Naga ang pagtanggap ng aplikante sa gustong mag-avail ng pabahay o Housing and Settlements Program ng City Government dahil sa marami pang problemang dapat na resolbahan kabilang na ang lugar at lote para sana sa mga posibleng benipisyaryo na umabot na mahigit limang libo.

Read More:  Kabankalan dairy hub targets 640,000 liters of milk yearly

Ayon kay City Councilor Jess Albeus, Chairman ng Committee on Housing and Settlements sa konseho, ang bilang ay mula pa sa taong 2004 at sa kanilang pag beripika ang ibang mga aplikante ay mga patay na at ang iba ay hindi na rin nakatira sa lungsod.

Read More:  ₱1-M misdeclared medical device shipment seized by BOC in Cebu

Sa kaniyang pahayag sa Brigada News FM Naga, inisa-isa niya ang mga problemang nakita nila na kailangan munang bigyan ng atensyon bago pa muli nilang buksan sa publiko ang pag apply sa programang ito ng lungsod.