Ilang mga kandidato sa BSKE pumila pa rin sa opisina ng BIR- RDO 64 kahit sinabi na ng Comelec na hindi required ang BIR registration

CAMARINES NORTE – Matiyaga pa ring pumila sa opisina ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa bayan ng Talisay ang ilang mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ito ay kahit sinabi na ng Commission on Elections na hindi prerequisite sa paghahain ng Certificate of Candidacy ang BIR registration at pagbabayad ng kaukulang bayarin para dito.

Ngayong Linggo ay naka-schedule ang mga kandidato mula sa Jose Panganiban at Sta Elena.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ang ilang mga kandidato sa Sangguniang Kabataan mula sa Barangay San Lorenzo, Sta Elena na nakausap ng Brigada News FM Daet ay pipila pa rin daw para mag- register dahil baka sa huli ay i-require din sila.

Tumanggi ang mga itong magpaunlak ng panayam pero aminadong dagdag pahirap ang pagpila sa BIR at pagbabayad ng registration fee.

Pero ang isang kandidato sa pagka Punong Barangay mula pa rin sa naturang bayan ay malamang na hindi na raw mag-register.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon kay Wilfredo Dela Cruz, incumbent Punong Barangay ng Don Tomas na ngayon ay tumatakbo para sa kaniyang ikatlo at huling termino hindi na siya magre- register dahil wala rin naman siyang negosyo.

Ngayon lang din umano ni-require ng BIR ang mga kandidato sa Barangay at SK na mag register.