Governor Padilla muling pinaalalahanan ang mga empleyado ng CNPH na mas lawakan pa ang pang unawa sa mga pasyente

CAMARINES NORTE – Pinaalalahanan muli ni Governor Ricarte “Dong” Padilla ang mga empleyado ng Camarines Norte Provincial Hospital na mas lawakan pa ang pang unawa sa mga pasyente.

Sa kaniyang pananalita sa harap ng mga empleyado ng Panlalawigang pagamutan, nakiusap ang Gobernador sa mga ito na kahit pagod na ay kailangan pa ring gawin ng maayos ang trabaho.

Aniya, ang pagtatrabaho sa isang pampublikong ospital tulad sa CNPH ay hindi talaga trabaho kundi isang debosyon. Dagdag pa ng Gobernador na mas mabuti nang nagsisilbi kesa pinagsisilbihan, mas mabuti na ang nagagamot kesa ginagamot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *