Basketball star mula sa Basud, Camarines Norte na si Justin Arana, kabilang sa mga malalakas na contender para sa PBA Rookie of the Year Award

CAMARINES NORTE – Malaki ang tyansa ng basketball rising star mula sa bayan ng Basud, Camarines Norte na si Justin Arana na masungkit ang Rookie of the Year Award.

Ang BasudeƱong basketbolista mula sa team na Converge ay pumapangalawa sa ROY race na may 22. 7 statistical points (SPs) sa Likod ni Ato Ular ng Blackwater bossing na may 23.8 SPs.

Naungusan pa nga ni Arana si Gilas Pilipinas stalwart Brandon Ganuelas-Rosser ng NLEX na may 22. 1 SPs na nasa pangatlong pwesto na sinusundan naman ni Tyler Tio ng Phoenix Super LPG na may 19. 8 SPs.

Sa panayam noon ng Brigada News FM Daet kay Arana nang minsan itong umuwi sinabi nitong hindi naging madali ang pagkakapasok niya sa PBA dahil ito raw ay kaniya talagang pinagsikapan at pinagtrabahuhan.

Pero ang pinaka inaabangan talaga ay ang hihiranging PBA Season 47 Most Valuable Player (MVP) na lalong umiinit ang laban.

Batay sa anunsiyo ng liga nitong Huwebes, September 28, malaki ang posibilidad na masungkit ni San Miguel Center June Mar Fajardo ang kaniyang ikapitong PBA MVP award.

Si Fajardo na hinirang na Best Player of the Conference (BPC) noong  Philippine Cup, ay nag- average ng 42.2 SPs.

Contender din ang teammate  niyang si CJ Perez, reigning PBA MVP  Scottie Thompson at Christian Standhardinger ng Barangay Ginebra

Gagawin ang awarding sa season 48 opener sa November 5 sa Smart Araneta Coliseum.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *