Ilang mga bata na benepisyaryo ng 4P’s tumigil sa pag- aaral sa gitna ng pandemya- DSWD

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mayroong mga bata na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Program o 4P’s ang tumigil sa pag- aaral sa gitna ng COVID- 19 pandemic.

Ito ang kinumpirma ni DSWD Camarines Norte Provincial Action Team Leader  at Pantawid Provincial Link Claudio Villareal Jr. sa naging panayam ng Brigada News FM Daet.

Ayon kay Villareal mayroon talagang tumigil sa pag- aaral at ang bagay umanong ito ay pinag uusapan nila sa Provincial Advisory Committee meeting para mabigyan ng intervention at makabalik ang mga ito sa eskwelahan.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sa ngayon umano ay mas pinaigting ng ahensiya ang Bata Balik eskwela module na series of session pero naging limitado ito noong pandemya dahil sa mga ipinatupad na restrictions.

Samantala, inihayag din ni Villareal na sakaling maging obligatory na ang face to face classes ay maaobliga umano ang mga magulang na papasukin ang kanilang mga anak sa eskwelahan.

Sa ngayon kasi ay hindi pa obligado na papasukin ang mga bata sa limited face- to- face classes ayon na rin mismo sa Department of Education (DepEd).

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kung nais umano ng magulang ang distance learning ay maaari nila itong ipagpatuloy.

“Kung hindi nila papayagan yung kanilang mga anak na mag face-to-face pero required na ng Deparment of Education na kailangan nilang mag face to face na, so there is a possibility na magkaproblema siya sa compliance ng kaniyang mga anak,” ani Villareal.“Kung titingnan yung sa pantawid kasi kung ganuun yung DepEd o yung teacher ay imamarka siya as absent and normally sa compliance verification naman namin, monitoring mama- marka siya as absent so ibig sabihin apektado talaga siya, mababawasan yung kaniyang grant, in terms yun sa education ng pagmomonitor