BICOL—UMABOT lamang sa dalawa ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Bicol region kahapon, araw ng Linggo.
Batay sa ulat ng Department of Health-Bicol, kapwa nagmula ang bagong kaso sa Camarines Sur kung saan may tig-isa ang lungsod ng Naga at bayan ng Nabua.
Dahil dito, umaabot na sa 58,939 ang cumulative cases ng COVID-19 sa rehiyon simula pa noong March 2020.
Samantala, isa lamang din ang naitalang bagong nakarekober na nagmula naman sa Sorsogon dahilan para umakyat sa 53,009 ang total recoveries.
Wala namang nairehistrong bagong pagkasawi dahil sa sakit kung kayat nakapako sa 2,167 total covid-19 fatalities sa kabikulan.