CAMARINES NORTE- Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Jose Panganiban MPS sa pamumuno ni PMAJ ELEZALDY C CALINGACION, COP sa pamamagitan ng Manhunt Charlie Operation ang isang 38-anyos na lalaki at ika-5 sa listahan ng Municipal Most Wanted Persons sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte dakong 4:30 ng hapon nitong Marso 5, 2022 sa Purok 1, Barangay Mocong, Basud, Camarines Norte.
Ang nasabing akusado ay kinilalang si alyas ATOY, 38 anyos, may kinakasama at residente ng Purok 6, Sitio Lawis, Brgy. Larap, Jose Panganiban, Camarines Norte.
Si ATOY ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape at Rape by Sexual Assault sa ilalim ng kasong kriminal na may mga numerong 21448-21449 na ipinalabas ni Hon Arniel A Dating, Presiding Judge ng Branch 41, RTC, Daet, Camarines Norte na may petsang February 3, 2022 at walang rekomendadong piyansa para sa kasong Rape at 120,000.00 na rekomendadong piyansa para sa Rape by Sexual Assault.
Ayon sa ulat, si ATOY ang suspek sa panggagahasa sa pamangkin ng kanyang kinakasama na nangyari sa Purok 6, Sitio Lawis, Brgy. Larap, Jose Panganiban, Camarines Norte noong buwan ng Abril, taong 2021 at nasundan pa noong buwan ng Hulyo, taong 2021.
Ang arestadong personahe ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng Jose Panganiban MPS para sa kaukulang disposisyon.
