Ilang mambabatas itinanggi ang umanoy pondo para sa mga pipirma ng petisyon sa cha-cha

Mariing itinanggi ng ilang mambabatas ang umanoy pondo para sa mga pipirma ng petisyon para sa charter change.

Inamin naman ng mga kongresista na kasama sa tinalakay sa pagpupulong nila ang pag-amyenda sa Saligang Batas.

Isinawalat naman ni Sen. Imee Marcos na base sa impormasyon na natanggap niya na ayuda at iba pang government aid na halagang P20 milyong piso ang iniaalok umano sa mga distrito makapagbibitbit ng kinakailangang porsyentong pirma na sumusuporta sa cha-cha.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Sa ilalim ng konstitusyon pwedeng mag-amyenda sa Saligang Batas ang mga mamayan kung ipe-petisyon ito ng hindi baba sa 12% ng mga rehistradong botante at sa bawat distrito ay suportado ito ng hindi baba sa 3% ng registered voters.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Sa larawan ng petisyon na inilabas ni Rep. Edcel Lagman nakasaad na hiling ng mga nakapirma doon na anumang pagbabago sa konstitusyon ay maaaring imungkahi ng Kongreso sa bottom three-fourths sa lahat ng miyembro nito.

Ibigsabihin magkasabay na bibilangin ang boto ng Kamara at Senado.