3 suspek sa pagpatay sa broadcaster na si Juan Jumalon, tukoy na

Tukoy na ng mga otoridad ang 3 suspek sa pagpatay sa broadcaster na si Juan Jumalon o mas kilala bilang si DJ Johnny Walker.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Ricky, Boboy, at Inteng.

Read More:  Prosecution not afraid of Lachica testimony, questions its value in VP Duterte impeachment trial

Tiniyak ni Presidential Task Force on Media Security Executive Director Usec. Paul Gutierez na isasapubliko nila ang mga tunay na pangalan nito kapag inihain na sa Korte  ang kaso.

Read More:  COMELEC forms anti-vote buying task forces for BARMM Elections

Sa ngayon ay inihain na sa provincial prosecutor office ang mga reklamong murder at theft laban sa mga suspek.

Mababatid na binaril si Jumalon ng isang gunman sa loob mismo ng kanyang bahay habang nagpoprograma.