Ilang magulang at estudyante sa Camarines Norte handa na para sa face to face classes na sisimulan sa susunod na linggo

Handa na ang ilang magulang at estudyante sa lalawigan ng Camarines Norte  sa pagpapatupad ng expanded limited face to face classes sa lalawigan ng Camarines Norte simula sa Marso 1.

Kahapon sinamahan ng mga magulang ang kanilang anak para sa dry- run na bahagi ng ginagawang paghahanda upang maging pamilyar ang mga bata sa pagpasok sa eskwelahan at sa mga ipinatutupad na health protocols.

Isa lamang si Nanay Almira na may anak na Grade 3 na nag- aaral sa Daet Elementary School sa nagpahayag ng kahandaan at pagnanais na ibalik muli ang face to face classes makaraan ang dalawang taon.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Kumpiyansa si Nanay Almira sa kahandaan ng mga eskwelahan at gusto na rin umano niyang magkaraoon muli ng face to face classes.

Aminado itong mahirap hindi lang para sa mga bata kundi sa katulad niyang magulang ang distance learning.

“Kasi po pag nasa bahay lang po, iba po talaga ang natutunan ng bata kaysa pag nasa school.”

“Stress din, mabuti po kung isa lang po ang estudyante ay kung tatlo, dalawa mahirap din po sa part ng nanay lalo na pag may small business.”

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Hindi naman naiwasan ang ilang aberya sa pagsasagawa ng dry run.

Sa Basud Central School ay mayroong pangyayari na halos maiyak na ang isang nanay dahil hindi makita ang anak.

May mga pagkakataon ding nahihirapan ang mga bata na hanapin ang kanilang classroom at guro.

Agad naman na nagpatawag ng pagpupulong ang Principal ng eskwelahan para tugunan ang ilang problema sa dry run.

Iminungkahi nito na bukod sa mga bata ay magsuot rin ng name tag ang guro sa mga unang araw ng face to face classes para agad itong makilala ng mga bata.