Sangguniang Bayan nagbigay na ng pahintulot sa Alkalde para pumasok sa tripartite Memorandum of Agreement sa pagitan ng LGU Basud,  PSA  at DILG para sa CBMS

CAMARINES NORTE- Nagbigay na ng pahintulot noon pang nakarang linggo ang Sangguniang Bayan sa Alkalde para pumasok sa Tripartite Agreement sa pagitan ng Local Government Unit ng Basud, Philippine Statistics Authority (PSA) at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Kaugnay ito sa implementasyon ng Community- Based Monitoring System (CBMS) sa naturang bayan na layong magkolekta ng mga kinakailangang datos na magagamit sa pagpaplano para sa iba’t- ibang programa sa hinaharap.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ang CBMS ay isang diagnostic tool para i- assess ang poverty level sa  barangay, municipal, city, at provincial level.

Ayon sa SB mahalaga ang pagkalap ng updated na mga datos na magiging basehan ng gobyerno sa mga ilalatag na programa.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Batay sa kasunduan, ang LGU ang babalikat sa lahat ng financial requirements para sa CBMS operation.

Mayroon na umano itong nakalaan sa Annual Budget ng LGU.

Mababatid na noon pa dapat isang taon ginawa ang CBMS pero dahil sa pandemya ay hindi ito natuloy.