Cellphone technician arestado dahil sa pagbebenta ng nakaw na gadget sa social media

CAMARINES NORTE- Arestado ang isang cellphone technician dahil sa pagbebenta umano ng nakaw na gadget gamit ang social media.

Dakong alas 7:00 ng gabi noong Miyerkules,  Pebrero 23, 2022 ay nagkasa ng entrapment operation sa bayan ng Daet ang mga operatiba ng Basud Municipal Police Station.

Nagresulta ito sa pagkakaresto sa suspek na nakilalang si alyas  Arnel, 35 anyos,  may asawa, at nakatira sa Purok 2, Barangay Matnog, Basud, Camarines Norte.

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City

Ayon sa ulat ng Basud MPS, nagpaabot ng sumbong ang mga biktimang sina alyas “Orly” at “Jhon” hinggil sa nawawala nilang Samsung Tab A6 noong Pebrero 20, 2022 bandang alas 9:00 ng gabi habang sila ay nasa loob ng Jesus is Lord Church na matatagpuan sa Purok 4, Brgy Matnog.

Matapos ang insidente ay nakita na nilang nakapost na ang nasabing nawawalang gamit sa social media at ito’y ibinebenta na.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

Dahil dito agad na nagkasa ng entrapment operation ang mga operatiba ng Basud PNP at narekober sa suspek ang nawawalang gadget.

Mahaharap ang suspek na si alyas Arnel sa kasong paglabag sa PD 1612 o Anti Fencing Law na nasa kustodiya ngayon ng Basud MPS.