Ilang lugar sa Central Luzon makatatanggap ng abono mula sa donasyon ng China

Kabilang ang ilang mga probinsya sa Central Luzon sa makakatanggap ng abono mula sa donasyon ng bansang China.

Sa ilalim ng Rice Program, makatatanggap ng 893 metric tons ang Aurora, 228 metric tons ang Bataan, 94 metric tons ang Bulacan, 3 932 metric tons ang Nueva Ecija, 1 231 metric tons ang Pampanga, 1 825 metric tons ang Tarlac at 397 metric tons ang Zambales.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Nito lamang nakalipas na Byernes ay itenurn-over na China sa Pilipinas ang nasa 20,000 metric tons ng urea fertilizer.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Uunahin umanong mabigyan nito ay ang mga magsasaka sa Luzon kabilang na ang mga lugar sa Region 3.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: DA Central Luzon