Alfonso XIII Quezon Water User Association (AWUA), nanganganib na umanong magsara

Maagang inihayag sa media ng Alfonso XIII Water Users Association (AWUA) na nakabase sa Barangay. Alfonso Xiii Quezon Palawan ang umano’y napipinto nitong pagsasara.

Ayon kay AWUA Manager Wilson Paciones, huminto na kasi ang Mactan Rock na kanilang water provider dahil sa kakaunti na lamang umano ang kanilang water consumer.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Napag-alaman na limang araw na rin na walang supply ng tubig sa mga consumer nito sa poblacion area.

Idinagdag ng management na bumaba na rin daw ang koleksyon ng water association kung saan mayroon na lamang silang humigit kumulang 400 active consumers habang ang ibang konsyumer ay nagpakabit na ng linya sa Quezon water supply system- sa ilalim ng Lokal na Pamahalaan.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Samantala, sa katapusan ng buwan ay malalaman kung tuluyan na itong magsasara.