7 munisipalidad sa Sorsogon,`makatatanggap ng Nutrition-Sensitive Community Sub-Projects ng DSWD KALAHI-CIDSS

Kabilang ang 7 munisipalidad sa Sorsogon ang mababahagian ng Php 722,595,000.00 na halaga ng nutrition-sensitive community sub-projects ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)  na nakalaan para sa 60 na mga munisipalidad sa Bicol Region sa ilalim ng Philippine Multisectoral Nutrition Project o PMNP sa pamamagitan ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o KALAHI-CIDSS.

Kinabibilangan ito ng mga bayan ng Castilla, Donsol, Irosin, Juban, Magallanes, Matnog at Pilar.

Ayon kay Adelaida Escurel, Deputy Regional Program Manager ng KALAHI-CIDSS Regional Program Management ang bawat munisipalidad ay tatanggap ng grant allocation na mula P5 hanggang P28M para sa pagpapatupad ng nutrisyon at mga sensitibong interbensyon na tutugon sa seguridad ng nutrisyon ng mga benepisyaryo.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ang alokasyon ng grant ay kinalkula batay sa datos ng Department of Health (DOH) sa bilang ng mga batang bansot kung saan bawat isa sa mga ito ay may nakalaang Php3,400.00 na subsidya sa loob ng 2 at kalahating buwan na panahon ng interbensyon.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ilan naman sa mga nutrition sensitive intervention na popondohan nito ay ang paghuhukay ng maliliit na community wells o balon, maintenance ng community water sources, pagtatayo ng mga community toilets, pagkakaloob ng mga nutrition learning materials, pagbibigay ng technical support upang ma-integrate ang nutrition-focused child development activities at pagsasaayos ng mga day care center.

Ilan pa sa mababahagian ng nasabing pondo ay ang 30 munisipalidad mula sa Camarines Sur, pito mula sa Catanduanes at 16 mula sa Masbate.