Ilang kalsada sa Naga isasara kaugnay ng Traslacion ng Itim na Nazareno

NAGA CITY- Isasara ang ilang kalsada sa Naga City, kaugnay ng Traslacion at pista ng Itim na Nazareno.

Alas-5 ng hapon , Enero 8, 2024 isasara ang Biak na Bato Street Barangay Tabuco hanggang sa matapos ang Traslacion patungo sa Plaza Quezon. Mananatili ang replica ng Nazareno sa Plaza para sa misa, vigil at pahalik. Enero 9 sa araw ng pista, magkakaroon ng misa at ang mga kalsadang nakapalibot sa Plaza Quezon ay isasara. Magkakaroon naman ng penitential foot procession pabalik sa Holy Cross Parish pagsapit ng alas-5 ng hapon.

Read More:  Rescued Philippine eagle survives critical injuries in Bukidnon as experts find airgun pellets
Read More:  Over 1,200 displaced as monsoon rains swamp Negros; Classes, sea travel suspended

Samantala ayon naman sa kanilang  Cura Parroco. Fr  Eugene A. Lubigan, wala namang abiso ang Department of Health (DOH) sa sistema ng pahalik sa Poon sa gitna ng banta ng COVID-19 pero inirerekomenda ang pagsuot ng facemask sa siksikan.