Ilang jeepney drivers sa Albay, tutol sa ‘fixed salary system’ na ipinatupad sa ilalim ng PUV modernization and consolidation

LEGAZPI CITY – Tutol ang ilang jeepney drivers sa lalawigan ng Albay sa fixed salary system na ipinatutupad ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilalim ng Public Utility Vehicle (PUV) modernization and consolidation.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Ronel Nebres, presidente ng ‘Basta Driver, Safety Enforcer’, sinabi niya na sa ilalim kasi nito’y magkakaoron na ng quota sa magiging koleksyon sa pamamasada na tinututulan ng mga tsuper.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Base kasi sa kanilang nalalaman sa Omnibus Franchise Guidelines, magiging 8 oras na lamang bawat araw ang kanilang pamamasada sa ilalim ng kooperatiba at posibleng 500 pesos ito kada araw na makukuha every 15 days.

Magiging mabigat umano ito para sa kanila lalo na sa mga driver na may maraming anak, dahil mas mababa ito kung ikukumpara sa nakukuha nila ngayong may boundary system pa.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Samantala, kung maaalala, unang sinabi ni LTFRB Bicol Regional Director Joel Defeo sa Brigada News FM Legazpi na sa ilalim ng consolidation, ang mga tsuper ay parang magiging regular nang empleyado sapagkat magkakaroon na rin sila ng social benefits tulad ng SSS at PHILHEALTH.
Subalit nilinaw ni Nebres, dati na rin namang mayroong ganito dahil may inimplementa na rin noon ang LTFRB na inoobliga ang mga operators na hulugan sa SSS at PHILHEALTH ang kanilang mga driver.