Batangas City- Arestado ang lalaking itinuturing na most wanted person national level na nahaharap sa kasong rape sa isinagawang manhunt operation ng Sta. Rosa City police sa Barangay Parian, Calamba City, Laguna.
Kinilala ng Laguna Police Provincial Office ang akusado na si alyas “Ben” na residente ng naturang lugar.
Sa ulat ni Police Lt. Col. Dwight Fonte, ang hepe ng Sta. Rosa City Police Station, madaling araw noong nakaraang Sabado nang magsagawa sila ng operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Ben.
Matagal nang pinaghahahanap ang suspek kung saan may kaukulan nang pabuya na aabot sa P130,000 para sa makapagtuturo ng kinaroroonan nito.
Sa ngayon ay kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Sta. Rosa CPS ang akusado at walang inirerekomendang piyansa para sa kanya.