Illegal fixer ng lisensya, binalaan ng LTO CALABARZON

Batangas City- Patuloy na pinag-iingat ng Land Transportation Office o LTO-CALABARZON ang publiko laban sa mga hindi awtorisadong tao na nag-aalok ng ilegal na pag-aasikaso ng driver’s license.

Ayon sa ahensya, ang mga transaksyong ito ay hindi awtorisado at mahigpit na ipinagbabawal sa batas.

Nagbabala ang LTO na ang pagtangkilik sa ilegal na transaksyon kagaya ng fixer at pagbebenta ng pekeng lisensya ay magbibigay lamang ng matinding abala at problema sa mga motorista.

Ginawa ng tanggapan ang babala matapos mapaulat sa kanila ang kumakalat ngayon na facebook page na may pangalang ‘Driver’s License Assistance – Fixer’. Sa huli, sinabi ng LTO na para sa ligtas na transaksyon maaaring pumunta lamang sa pinakamalapit na opisina ng LTO