NBI, kinumpirmang Chinese citizen si Sheila Guo

Inilatag ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang ebidensya na si Zhang Mier at Sheila Guo ay iisa.

Ito’y matapos suriin ang kanyang mga fingerprint at passport information, kung saan makikita na Zhang Mier ang pangalan na makikita sa narekober na Chinese passport.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Kahapon, isinailalim na sina Cassandra Li Ong at Guo sa inquest proceedings at isinampa sa kanila ang mga kasong paglabag sa obstruction of justice at harboring of fugitive.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Ayon kay NBI Dir. Jaime Santiago, mananatili pa rin sila sa NBI kahit bailable ang mga kaso dahil may pending warrant of arrest ang dalawa sa Senado at Kamara.