LEGAZPI CITY – Inihayag ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) Legazpi nasa stage of memorandum of understanding (MOU) ang lungsod at ang New Generation Advance 911.
Ayon kay Miladee Azur, ang head ng nasabing opisina, aalisin ang local numbers ng 911 ng cdrrmo legazpi sa oras na maging full implementation na ito.
Aniya, kailangan lamang ay tawagan ang numerong 911 upang makagamit o makahingi ng tulong mula sa nabanggit na opisina. Nilinaw rin ng ahensya, ang NGA 911 ay para lamang sa emerhensya ang kanilang tinatanggap na tawag.
Dagdag pa nito, tanging makakagamit o makakatawag sa 911 ay nasa loob ng perimeter fence ng legazpi.
Ang New Generation Advance 911 ay mas makabagong teknolohiya upang gawing mas madali ang komunikasyon at mapabilis ang pagtugon sa emerhensiya.
Target ng lungsod na maging full implementation bago magtapos ang taon 2022.