Ilang grupo nagsagawa ng protesta kaninang umaga sa Zambales kabilang ang ilang mangingisda

Nagtipon-tipon ang ilang grupo kabilang na ang ilang mangingisda kaninang umaga sa may Sitio Sta. Lucia, Masinloc, Zambales.

Ito ay kasabay ng isinagawang Combined Joint Littoral Live Fire Exercise ng Pilipinas at U. S kanina sa bayan ng San Antonio.

Ayon kay Pablo Rosales, chairman ng samahang Pangisda Pilipinas, ang kanilang panawagan ay mapanumbalik ang likas yaman sa karagatan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Naniniwala umano kasi sila na posibleng magdulot ng takot sa isda ang ilang aktibidad sa karagatan at dahil sa ngayon ay hindi pa muna makapalaot ang mga mangingisda sapagkat kabilang ang ilang bahagi ng probinsya sa no sail zone policy hanggang sa susunod na araw.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kanila rin umanong panawagan na mas mabigyan ng pansin ang seguridad sa pagkain, trabaho at malutas ang problema sa WPS sa maayos na paraan para makapangisda sila ng matiwasay sa lugar.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO