Nag-courtesy visit si Croatian Ambassador to the Philippines Nebojša Koharović kay House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, sa bahay nito sa Quezon City.
Sa naturang pagbisita, inihayag ni Arroyo ang suporta ng Pilipinas sa kandidatura ng Croatia para sa nalalapit na Human Rights Council.
Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Koharović na target ng kanilang bansa na makakuha ng pwesto sa Human Rights Commission para mailagay umano ang ilang mga bagay sa konteksto.

Samantala, tiniyak naman ng envoy sa dating pangulo na gagawin nila ang lahat ng paghahanda para sa pagbisita naman nito sa Croatia sa Hunyo.
Mababatid na batay sa mambababatas, na ang parehong bansa ay maraming nagawa bilaterally sa gitna ng 30 years na relasyon ng Pilipinas at Croatia. //MHEL PACIA-TRINIDAD