Ilang gasoline stations sa Bicol, pahabaan ang pila

LEGAZPI-Bago paman sumapit ang hating gabi, namataan na sa ilang pangunahing gasoline station sa Bicol Region ang mahabang pila ng mga sasakyan na maaga ng nagpapagasolina.

Sa Naga City, agaw atensyon ang isang gasoline station matapos umabot na ng ilang kilometro ang pila at inokopa na ang kaliwa’t kanang kalsada.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Maging ang mga gasoline boy umano’y double time na sa pagkakarga ng gasoline at ibaot pa ng hating gabi.

Samantalang sa Sorsogon City naman, isang araw bago pa ang inaasahang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo maaga na nag anunsyo ang ilang oil companies na tataas ang gasoline prices ng aabot sa PHP3.60 per liter at PHP5.85 naman per liter ang diesel.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Samantalang ang Caltex, Seaoil, at Shell ay magkakaroon din ng taas presyo sa kerosene ng PHP4.10 per liter.

Opinyon naman ng ilang mga drivers, wala silang magagawa kundi sumunod na lamang.