Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Communications Secretary Martin Andanar bilang acting presidential spokesperson.
Ang pagkakatalaga kay Andanar bilang acting presidential spokesperson ay kasunod ng pagkakatalaga kay Cabinet Secretary Karlo Alexie Nograles bilang chairperson ng Civil Service Commission.

Ang appointment ni Andanar ay nakasaad sa isang advisory mula sa Malacañang na inilabas Martes ng umaga.
Idaraos ni Andarar ang kanyang unang Palace briefing bilang Presidential Spokesman ngayong tanghali kasama si Undersecretary Rosemarie Edillon ng National Economic and Development Authority.